Mensahe ng kinatawan

植村 貴昭
この内容を書いた専門家
元審査官・弁理士
行政書士(取次資格有)
登録支援機関代表
                   

“Dead Poets Society”

Noong estudyante pa ako noong high school, napanood ko ang pelikulang ito.

Ang eksena ay noong 1959, isang mahigpit na American high school para sa mga lalaki.

Isang naiibang guro si Keating ang dumating doon.

“Itapon ang Textbook” ang sinabi niya.

Nalilito ang mga estudyante pero  unti-unting naaakit sila sa kanya.

Iisipin mo na ito’y isang happy ending story para sa mga estudyante na nasisiyahan sa kanilang kabataang buhay  pag-ibig at mga pangarap sa hinaharap.

Pero may nakakagulat na pangyayayri sa istorya.

Dahil sa pelikulang ito, nagbulay-bulay ako tungkol sa “kahulugan ng aking buhay”.

Nagdesisyon akong mag-aral ng “pagmamanupaktura”.

Nagsumikap ako upang mag-aral at nagpunta sa Tokyo Institute of Technology.

Major in nuclear reactor engineering.

Gustong gusto ko noon na tumulong sa Japan sa pamamagitan ng pagbuo ng nukleyar power generation, pero nangyari ang isang kritikal na aksidente sa Tokai-village at nawalan ako ng trabaho.

Dahil diyan nagpasya akong magtrabaho sa Japan Patent Office na may layuning maging isang patent na abugado na noon pa ako interesado.

Matapos magtrabaho bilang isang tagasuri sa Patent Office sa loob ng 12 taon, maaari nang maging kwalipikado bilang isang abugado sa patent.

Determinado ako noon na magtrabaho sa Japan Patent Office para maging isang patent na abugado. Nagpasya ang bansa na paramihin ang mga abugado sa patent.

Hanggang sa panahon iyon, ang pagsusulit sa abugado ng patent ay isang makitid na gate na may rate na pumasa sa 1%.

Pero naisip ko, “Kung magpapatuloy paparami ang mga abugado ng patent, marami na ang kumpetisyon after 12 taon,” kaya umalis ako sa JPO.

Nag exam ako ng patent na abugado, matagumpay na naipasa ito, at nagpasyang magtrabaho sa isang major office sa Tokyo.

Sa opisina na iyon, ang mga trabaho ko ay nauugnay sa isang malaking kumpanya at 

tumaas ang posisyon ko na nauwi sa pagiging partner. 

Pero napansin ko.

 

“Ang mga SMEs ay totoong nangangailangan ng intelektuwal na pag-aari (intellectual property).”

Dahil sa gayong mga saloobin, itinatag ko ang Uemura International Patent Office bilang isang abugado ng patent na nagdadalubhasa para sa Small and Medium-sized Enterprises.

Mula noong simula ng opisina ko at habang nakikipag-ugnay ako sa iba’t ibang mga Small and Medium-sized Enterprises, dumarami ang mga katanungan mula sa kanila hindi lang sa intelektwal na pag-aari (intellectual property).

Nais naming malutas ang lahat ng mga problema ng mga customer nang sabay-sabay,

kaya naitatag namin ang Polaris Intellectual Property Consulting Co., na may kahulugan ng North Star, ibig sabihin, palatandaan gabay.

 

“Para magawa ang negosyong ito, kailangan kong isumite ang dokumentong ito sa tanggapan ng gobyerno at kumuha ng pahintulot.”

“Paano pangasiwaan ang labor management …”

“Paano ang tungkol sa mga pondo para sa mga bagong negosyo …”

 

Ang may-ari ng negosyo ay may iba`t ibang mga pag-aalala.

Gayunpaman, hindi “kahulugan ng buhay” ng may-ari ng negosyo ang pag-aalala tungkol sa paghahanda ng dokumento at iba’t ibang mga gawain na hindi direktang nauugnay sa pangunahing negosyo.

Kung mayroon kang ganyang mga pag-aalala, mangyaring makipag-ugnay muna sa amin.

Ipapakita ko sa iyo ang paraan para lutasin ang problema.

At kumbinsido ako na ito ang “kahulugan ng buhay”  na maging isang gabay para sa mga may-ari ng negosyo.

Paki tingnan ang pahinang sa ibaba para sa higit pang mga detalye.

代表者挨拶

Polaris Intellectual Property Consulting Co.
Kinatawan
Takaaki Uemura

©植村国際特許事務所 代表弁理士 行政書士 植村貴昭

  • 専門家(元特許庁審査官・弁理士・行政書士)に相談!無料

      必須お名前
      会社名・店舗名・屋号 ※法人・事業主の方はご記入ください。
      必須メールアドレス
      必須メールアドレス確認用
      お問い合わせ内容・ご相談内容・ご質問内容があればお書きください